Write up on Mga Akdang Patula

BENGUET STATE UNIVERSITY

LOO, BUGUIAS, CAMPUS

PROF.ED 26

–WRITE-UP–

“MGA AKDANG PATULA”

SUB.BY:

DAGWAT, MILDRED

ORTIZA, LORELYN

LAMO-OY, ARMELINDA

LICWASEN, ROSAL

SUB.TO:

MRS. CLYDE SENTI

SEPT.3O,2011

MGA AKDANG PATULA

LAYUNIN

1. Nakikilala ang ibat ibang uri ng mga akdang patula.

2.Nabibigyang halaga ang isang tula.

3.Nakakabasa ng tula  sa masigasig na paraan.

ANG TULA

-Isang akdang pampanitikan na naglalarawan ng buhay,hinango sa guni-guni,pinararating sa ating dandamin a ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw.Ito’y likha ng isang makata.hinango sa kalikasan at sa buhay ng tao.

 

I. MGA URI NG TULANG LIRIKO:

a)AWITING BAYAN-ang karaniwang paksa ng uring ito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa, at kalungkutan.

halimbawa: “CHIT CHIRIT CHIT”

B) SONETO– ito’y tulang may labing- apat na taludtud hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na pagkatao, at sa kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa mambabasa.

halimbawa: “SONETO NG BUHAY”ni: Fernando Monleon

K) ELEHIYA– nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.

halimbawa: “AWIT SA ISANG BANGKAY”

D) DALIT- awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa buhay.

halimbawa:  “dalit kay Maria”

E) PASTORAL– ito’y may layuning maglalarawan ng tunay na buhay sa bukid.

halimbawa: “BAYANI NG BUKID”

F) ODA- nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang damdamin; walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong.

halimbawa: “TUMANGIS SI RAQUEL”

 

II.TULANG PASALAYSAY

-Mga tulang nagpapahayag ng kwento o pangyayaring maaaring totoo o likhang isip lamang.

MGA URI NG TULANG PASALAYSAY

A.EPIKO-isang mahabang tulang naglalarawan ng mga pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan at punong-puno ng mga di pangkaraniwang pangyayari.

halimbawa; “ANG INDARAPATRA AT SULAYMAN”

B.AWIT AT KURIDO– naglalayong mapalaganap ang pananampalataya o parangal sa pamamagitan ng mga pasalaysay ng mga kagitingan, pagkamaginoo at pakikipagsapalaran ng mga hari’t reyna, prinsipe at prinsesa at mga kabalyerong mandirigma.

-ipinapakita rito ang kanilang pagkamatapatin sa tungkulin at simulain.

halimbawa: “Doce pares sa kaharian ng francia” at “florante at at Laura” ni  Francisco B.

C. BALAD– tulang inaawit habang sumasayaw.

 

III. TULANG DULA o PANTANGHALAN-karaniwang itinatanghal at ang mga gumaganap dito’y may kanya-kanyang bahagi na binibigkas ng patula.

A.  KOMEDYA– isang gawa na ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahingf tauhan ay may layong pukawin ang kawilihang manonood. nagwawakas ito nang Masaya. ang tunggalian ay karaniwang natatapos sa pagkakasundo ng mga tauhan na siyang nakapagpapasiya ng damdamin ng manonood.

B. MELODRAMA-      ito ay karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musical, kasama na ang opera. ngunit ngayon ito ay may kaugnayan sa trahedya tulad din ng parsa sa komedya. ang sangkap ng uring ito ng dula ay malungkot ngunit nagiging kasiya-siya ang katapusan para sa pangunahing tauhan ng dula.

K. TRAHEDYA- angkop amng uring ito ng dula sa mga tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing tauhan.

D. PARSA– isang uri ng dula na ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng mgha kawing-kawing na mga pangyayaring nakakatawa.

E. SAYNETE- ang paksa ng ganitong uri ng dula ay mga karaniwang pag-uugali ng tao o pook.

 

 IV) TULANG PATNIGAN– ginagawa bilang laro

 A. KARAGATAN-paligsahan sa tula na nilalaro bilang parangal sa isang patay.

-ito ay batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na inihulog niya sa dagat sa hangarin nitong mapapangasawa ang kasintahang marirap.

B. DUPLO- paligsahan sa tula na karaniwang ginaganap sa ikasiyam ng gabi sa bakuran ng namatay matapos mailibing ang patay bilang pag-aaliw sa mga naul;ila nito.

-ito ang humalili sa karagatan din.

 K. BALAGTASAN– tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan ng katwiran sa pam-patula.

-ito ang pumalit sa duplo at ito’y sa karangalan ng Seisne Ng Panginay na si Francisco Baltazar.